Ibinahagi ni Quezon City Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Margie Mejia sa Symposium for Private Schools ang iba-ibang serbisyong hatid ng lungsod para sa mga negosyo, partikular sa pagkuha ng business permits at lisensya.
Tiniyak niya na aalalayan ng BPLD ang lahat ng negosyanteng QCitizen sa bawat hakbang ng proseso upang mapadali ang pagkuha ng permit at matiyak ang kanilang pagsunod sa mga regulasyon.
Si Mejia ay isa sa mga panauhin sa symposium na inorganisa ng Association of Private School Administrators (APSA), na ginanap sa STI Academic Center, Quezon City.




