Ginawaran ang Quezon City Government ng Seal of Good Education Governance (SGEG) dahil sa mga programa nito na nagpapataas sa kalidad ng edukasyon sa Lungsod.
Sa Quezon City, prayoridad ang edukasyon. Iba-ibang inisyatibo ang nakahanda para sa mga QCitizen upang tiyakin na accessible at inklusibo ang lahat ng learning at education opportunities.
Kinikilala rin ng lungsod ang kahalagahan ng edukasyon na susi sa magandang kinabukasan ng mga mamamayan.
Ang SGEG ay kumikilala sa mga lokal na pamahalaan na epektibong nagbibigay ng mataas na kalidad ng edukasyon sa mga kabataan. Iginagawad ito ng Synergeia Foundation, sa pakikipagtulungan sa Metro Pacific Investments, Meralco, at mWell.
![](https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/02/image-220-682x1024.jpeg)
![](https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/02/image-219-1024x682.jpeg)
![](https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/02/image-218-682x1024.jpeg)
![](https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/02/image-217-682x1024.jpeg)
![](https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/02/image-216-682x1024.jpeg)