QC IS PWD-FRIENDLY!
Aabot na sa 35,225 pieces ng Tactile Pavers ang naikabit ng lokal na pamahalaan sa ilang mga lugar sa lungsod. Ang mga Tactile Pavers ay nagsisilbing alalay sa paglalakad ng mga persons with visual impairment.
Una nang natapos ng paglalagay nito sa kahabaan ng northbound at southbound ng East Avenue bilang na bahagi ng GORA Lanes. Patuloy din ang paglalagay ng Tactile Pavers sa Alley 22 at sa Elliptical Road.
Ayon sa Parks and Development and Administration Department, bahagi na mga infrastructure designs ng lungsod ang mga accessibility features tulad nito. Lalagyan na rin ang mga walkways, parks, alleyways, directional islands, pocket parks, pedestrian corridors, at plaza sa QC.
Patuloy din ng isinasagawang accessibility audit ng Accessibility Audit Taskforce ng QC upang matiyak na ang bawat pampublikong gusali at mga establisyimento sa lungsod ay magagamit ng mga persons with disability.