Nagsilbing keynote speaker si Mayor Joy Belmonte sa ginanap na TALAB (Talakayang Alay sa Bayan) 2023 na pinangunahan ng Department of Political Science ng Ateneo De Manila University.

Sa kaniyang talumpati, binigyang-diin ng Alkalde ang iba-ibang hakbang ng lokal ng pamahalaan para maipagpatuloy ang mabilis at mahusay na paghahatid ng serbisyo sa mga QCitizens. Dagdag pa ni Mayor Joy, importanteng maibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa mga opisyal ng bayan sa pamamagitan ng matapat na paglilingkod.

Nakiisa rin sa talakayan si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ibinahagi ang kahalagahan ng paglaban sa katiwalian.

+15