Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagsilbing keynote speaker si Mayor Joy Belmonte sa ginanap na Talakayang Alay sa Bayan (TALAB) 2025 na pinangunahan ng Habitat for Humanity: Blue Chapter sa Ateneo de Manila University.
Binigyang-diin ni Mayor Joy ang mga programa ng lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga proyektong pabahay na naglalayong magbigay ng ligtas, maayos, at abot-kayang tahanan para sa bawat QCitizen.
Nakiisa rin si Atty. Erin Tañada na nagbahagi ng kaalaman hinggil sa kasaysayan ng pabahay sa bansa.








