Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bumisita sa Lungsod ng Quezon ang lokal na pamahalaan ng Talavera, Nueva Ecija sa pangunguna ni Mayor Aries Vincent Patrick G. Lim para sa isang benchmarking activity tungkol sa QC ID Program.
Pinangunahan nina Atty. Rene S. Grapilon, Assistant City Administrator, at Mr. Patrick Anthony C. Formoso, QCID Operations Head ng Office of the City Administrator, ang talakayan kung saan ibinahagi ang mga proseso sa pagpapatupad ng QC ID bilang mahalagang kasangkapan sa mas mabilis, episyente, at inklusibong paghahatid ng mga serbisyo sa mga mamamayan.
#BenchmarkingAtQC#QCMoreToExplore










