MAY BAGONG MUSEO SA QC! 🏛✨

Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Senator Risa Hontiveros ang pagbubukas ng Tandang Sora Women’s Museum.

Tinagurian itong kauna-unahang Women’s Museum sa bansa, dahil nakatuon ito sa mga kwento ng mga kababaihang naging bahagi ng makulay na kasaysayan ng bansa.

Laman ng museo ang iba-ibang sculptures, exhibit area, creativity corner, mga libro sa kasaysayan ng mga kababaihan, at ang special exhibit na HERstorical Philippine Timeline.

Bukas ang museo mula Martes hanggang Linggo, mula 9:00AM hanggang 4:00PM. Libre ang museo para sa lahat ng QCitizens, Persons with Disabilities, Senior Citizens, at sa publiko ngayong buwan ng Pebrero at Marso.

Katabi ng museo ang Tandang Sora National Shrine.

Dumalo sa cultural night sina former House Speaker and Mayor Sonny Belmonte, District 6 Rep. Marivic Co-Pilar, Councilors Banjo Pilar, Ellie Juan, Vic Bernardo, Sami Neri, District Action Officers, QC Department Heads, Museum Curator Sandra Torrijos, UN Women Philippines Country Programme Coordinator Rosalyn Mesina, at mga kaanak ni Tandang Sora.

+76