Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagtungo sa Quezon City ang mga miyembro ng Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac na pinangunahan ni Gov. Christian Yap para sa isang benchmarking activity upang pag-aralan ang QC Bus Libreng Sakay Bus Program ng TTMD at QC Open Data Dashboard ng ITDD.
Layunin ng Lalawigan ng Tarlac na matutunan ang best practices ng lungsod Quezon sa sektor ng trapiko at transportasyon at bigyang diin ang transparency at good governance sa pamahalaan. Malugod silang sinalubong nina TTMD Head Dexter C. Cardenas at ITDD OIC Mary Ann Cruz. Naikutan rin ng Tarlac delegates ang QC e-Bus route sa Cubao at ang charging station sa likod ng Quezon City Hall.










