Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Sinimulan na ng QC Transport and Traffic Management Department (TTMD) ang pagkakabit ng tarpaulin bilang anunsyo sa dry run ng ipapatupad na bagong parking regulations sa kahabaan ng Tomas Morato Avenue at Timog Avenue.
Ikinabit ang mga tarpaulin sa kahabaan ng Quezon Avenue hanggang EDSA at E. Rodriguez hanggang Eugenio Lopez.
Ang implementasyon ng bagong parking regulation ay bahagi ng QC ReVibe efforts para sa pagpapaganda ng mga tourist district ng lungsod.
Basahin ang buong anunsyo rito: https://quezoncity.gov.ph/public-advisory-dry-run-for-the-implementation-of-parking-regulation-for-public-parking-space-tomas-morato-timog-avenue/
Para sa mga katanungan, maaaring tumawag sa HELPLINE 122.








