Nagsagawa ng Strategic Planning ang Task Force Sampaguita, sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO).

Ito ay upang maitakda nang malinaw ang pamantayan para sa pag-abot sa mga batang lansangan (Children in Street Situations o CISS) na karaniwang dumarami tuwing “ber” months.

Dinaluhan ito ng iba-ibang departamento ng lungsod, sa pangunguna ni PESO Manager Rogelio L. Reyes at Bangsamoro Affairs Service head Mr. Hadji Jamel RM. Jaymalin.

Tinalakay ni Mr. Jeorge De Mesa ng Social Services Development Department ang Quezon City Unified Referral for the Protection of Children.

Nagbahagi rin si Mr. Jayson D. Oabel mula sa DSWD ng best practices ng Oplan Pag-abot sa mga reach-out operation.

Si Mr. John Paul Ordovez naman ng Council for the Welfare of Children ang nagpaliwanag ng Protocol to Reach-Out to Children in Street Situations.

Patuloy ang pagtutok ng Task Force Sampaguita at pakikipag-ugnayan sa mga barangay at komunidad upang masiguro ang kaligtasan ng mamamayan, lalo na ang mga kabataan.

+6