Nagpulong ang Task Force Sampaguita, sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO) at Social Services Development Department (SSDD), upang pag-usapan ang mga Areas of Concerns, lalo na para sa mga Children in Street Situations (CISS). Tinalakay rin ang pagdagsa sa lungsod ng mga Indigenous Peoples (IPs) tuwing “ber” months.

Patuloy ang Task Force Sampaguita sa pakikipag-ugnayan sa mga barangay at komunidad upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan, partikular na ang mga kabataan, ngayong Kapaskuhan.

Nanawagan ang Task Force Sampaguita sa mga QCitizens na huwag magbigay ng limos sa mga batang lansangan at IPs, alinsunod sa Presidential Decree (PD) No. 1563 o Anti-Mendicancy Law.

Ang pagbibigay ng limos ay nagkakaroon ng maling epekto, dahil pinapalakas nito ang paniniwala na ang panlilimos ay isang hanapbuhay. Bukod dito, nalalagay sa panganib ang mga bata sa lansangan, at kadalasan ay ginagamit sila ng mga sindikato upang manlimos. Sa halip na magbigay ng limos, hinihikayat ang pakikipag-ugnayan sa mga barangay o lokal na pamahalaan upang mas matulungan sila sa ligtas at tamang paraan. Maaring magreport sa QC Helpline 122.

+12