Upang bigyan ng inclusive at sustainable livelihood ang mga magulang ng Children with Disabilities (CWDs), pinirmahan ni Mayor Joy Belmonte ang kasunduan kasama ang ilang departamento ng pamahalaang lungsod at bahagi ng pribadong sektor.
Layon ng kasunduan na lumikha ng QC Roadmap for Social Enterprise development kung saan sasailalim ang mga magulang ng CWDs sa training at mentoring activities ukol sa urban farming sa tulong ng mga ka-partner na ahensya ng pamahalaang lungsod.
Isinusulong ng social enterprise ang pagkakaroon ng mga negosyo na naglalayong makatulong sa pagpapabuti ng komunidad sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga social programs.
Kabilang sa mga lumagda sa kasunduan sina Ms. Karen Sagun ng QC Kabahagi Center, Mr. Jay Morata Bernardo III, Chairman and President ng Bayan Innovation Group, Ms. Marianne Sicam, Board Director ng Society for the Advancement of Professional Entrepreneurship (SAPSE), Mr. Rogelio Reyes, head ng Public Employment Service Office (PESO), at Ms. Mona Celine Yap, head ng Small Business and Cooperatives Development Promotions Office.
Nakiisa rin sa aktibidad sina Ms. Tina Perez ng Joy of Urban Farming at Ms. Deborah Dacanay ng Persons with Disability Affairs Office.




