Aabot sa 350 QCitizen solo parents ang naki-saya sa ginanap na Tay-Nay Day celebration handog ng Social Services Development Department.
Tampok sa Tay-Nay Day ang job fair, health and wellness services katuwang ang tanggapan ng mga konsehal, at iba pang booth kung saan nakapag-avail ng sari-saring serbisyo ang mga solo parents.
Nagkaroon din ng orientation sa mga benepisyo ng QC na maaaring matanggap ng solo parents at kanilang mga anak.
Nanalo naman sa raffle ang mga maswerteng kalahok at nag-uwi ng grocery bags at bigas para sa kanilang pamilya.