QCitizens, punta na at mag-food trip sa Tayo ang QC Food Bazaar sa Quezon City Hall!
Abot-kaya ang mga pagkaing mabibili rito, na gawa mismo at produkto ng mga residente ng lungsod.
Mayroon ding five percent discount para sa mga QCitizen ID holder!
Binisita ni Mayor Joy Belmonte at Small Business Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) Head Mona Yap ang bazaar ngayong hapon.
Bukas ang Tayo ang QC Food Fair mula October 21-25, 7AM hanggang 6PM sa covered pathwalk.