Congratulations sa Singayaw Dance Troupe ng Justice Cecilia Muñoz Palma High School na Grand Champion sa kauna-unahang interpretative dance contest!

Nakatanggap sila ng cash prize at tropeyo mula sa lokal na pamahalaan, na iniabot nina Mayor Joy Belmonte at Schools Division Superintendent Carleen Sedilla.

First Runner-up ang Sibol Kasiningan Dance Troupe ng Batasan Hills National High School, habang 2nd runner-up ang Daloy Dance Troupe ng San Bartolome High School.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Joy ang kahalagahan ng pagiging maalam ng mga kabataan sa kasaysayan na naghubog sa Quezon City.

Nabigyan din ng special awards ang mga sumusunod na paaralan:

Best Choreography – Pasundayaw Dance Troupe (San Francisco High School)

Best in Costume – Daloy Dance Troupe (San Bartolome High School)

Best in Historical Interpretation – Singayaw Dance Troupe (Justice Cecilia Muñoz Palma High School)

+58