Bago matapos ang Oktubre, nagtipon-tipon ang mga guro mula sa mga pampublikong paaralan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Guro.
Naghandog ang pamahalaang lungsod ng mga munting regalo upang ipakita ang suporta at pagpapahalaga sa kanila.
Naging kinatawan ng lungsod si Education Affairs Unit Maricris Veloso, na nagpahayag ng mensahe ni Mayor Joy Belmonte. Kinikilala ng Lungsod ang kahalagahan ng mga titser na nagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa mga batang QCitizen.
Lubos namang nagpasalamat ang Quezon City Public School Teachers Association, sa pangunguna ng kanilang presidente na si Kristhean Navales, sa lahat ng suportang natatanggap nila mula sa lokal na pamahalaan