Patuloy ang ginagawang Rapid Disaster Assessment and Needs Analysis ng mga kawani ng Quezon City Government sa mga gusali sa Bogo City, Cebu kasunod ng naganap na 6.9 magnitude earthquake.
Inikot ng Team QC ang mga pangunahing gusali sa syudad tulad ng mga bangko, grocery stores, pharmacy, hardware, at restaurant.
Agad na nagpadala ng mga engineers, doktor, at emergency medical services team ang QC Gov’t para tugunan ang mga apektadong residente sa Cebu Province.








