Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Simula pa nitong Linggo, tuloy-tuloy ang pag-inspeksyon ng mga kawani ng Quezon City Government sa mga pangunahing gusali sa Mati City, Davao Oriental matapos itong yanigin ng lindol.
Pinangunahan ito ng mga engineers ng lokal na pamahalaan, upang matiyak ang kaligtasan ng mga gusali sa syudad at mga residente.
Kasama sa mga ininspeksyon ng mga tauhan ng QC Department of Engineering, Disaster Risk Reduction and Management Office at Department of Building Official ang mga eskwelahan, palengke, terminal, ospital, simbahan, health center, pharmacy, restaurant, banks, at mga gusali sa City Hall.








