Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
QC TUTULONG SA MINDANAO ![]()
![]()
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang send-off activity para sa 15 kawani ng lungsod na ipapadala upang tumugon sa mga pamilya at biktima ng nagdaang lindol sa Mindanao.
Dala rin ng Team QC ang P4.5 Million na tulong pinansyal sa mga apektadong lugar. Kasama ang General Santos City na makatatanggap ng P1.5 Million, at tig-iisang milyon naman para sa mga munisipalidad ng Jose Abad Santos, Malapatan, at Saranggani.
Bukod dito, magde-deploy din ng mga social workers, doktor, rescue personnel, at trained professional upang magpaabot ng mental and psychosocial support sa mga biktima ng lindol.
Sa panahon ng krisis, malayo o malapit, ay laging handang rumesponde ang QC.










