Patuloy na pinalalakas ng Quezon City ang digital skills ng mga nanay sa pamamagitan ng Tekkinanays 3.0 – Digital Literacy Training.
Layon ng programa na bigyan ang mga ina ng sapat na kaalaman at kasanayan upang maging critical thinkers, mapanuri, responsable, at ligtas na netizens.
Pinangunahan ang programa nina QC Gender and Development (GAD) Council Office Head Janete Oviedo at QC Public Affairs and Information Services Department (PAISD) Head Engelbert Apostol.
Katuwang din sa programa ang Thinkamuna ng Media Quest, Public Relations Society of the Philippines (PRSP), Media and Information Literacy (MIL Coalition) at Cirrolytix.
Nagbahagi ng kanilang kaalaman tungkol sa digital at media literacy, at paggamit ng makabagong teknolohiya sina Sarah Torres, Co-Founder ng Out of the Box Media Literacy Initiative; Mon Isberto at Atty. Charles Lejano ng MediaQuest; Steve Moore, Trustee ng Public Relations Society of the Philippines; at Frances Claire Tayco, CEO ng CirroLytix.
Sa pamamagitan ng QC Tekinanays, patuloy na sinusuportahan ng lungsod ang mga ina at kababaihan upang handa silang gabayan ang kanilang pamilya sa ligtas at responsableng paggamit ng digital platforms.
Ang proyekto ay bahagi ng mga inisyatibo ng pamahalaang lungsod bilang Pilot Media and Information Literacy City ng UNESCO.








