ICYMI: Kabilang si Mayor Joy Belmonte sa mga piling hurado na inimbitahan ng Temasek Foundation para sa unang Harmony in Diversity Award na inilunsad sa Singapore.
Ang natatanging parangal na ito ay nagbibigay-papuri sa mga taong nagsagawa ng makabuluhang hakbang upang isulong ang pagkakaunawaan at matatag na ugnayan sa pagitan ng iba’t ibang kultura sa Timog-Silangang Asya.
Ang Temasek Foundation ay isang non-profit organization na naglulunsad ng mga programa sa larangan ng kalusugan, edukasyon, public administration, at disaster risk reduction para sa iba’t ibang komunidad sa Asya.
Sa pamamagitan ng Harmony in Diversity Award, pinapalakas nito ang mga gawaing nagtataguyod ng mas matibay na pagkakaisa sa rehiyon.
Kasama ni Mayor Joy sa hanay ng mga hurado sina Her Royal Highness Tunku Tun Aminah, Non-Independent Non-Executive Chairman ng Berjaya Corporation Berhad; Ms. Retno L.P. Marsudi, former Minister of Foreign Affairs, Indonesia; Mr. Panote Sirivadhanabhakdi, Group Chief Executive Officer ng Frasers Property Limited; at Mr. Ng Boon Heong, Executive Director at Chief Executive Officer ng Temasek Foundation.
Tingnan ang post na ito: https://www.facebook.com/TemasekFoundation/posts/pfbid0AiUmJRHraLkLsmNgT2235YREC6gFEGSYhnZB89JCnLYYq86vZ5dCucp2eFzyZwcVl










