Dinaluhan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, isa ring Angat Bayi Mentor, ang event na inorganisa ng Embassy of Canada in the Philippines at ng Bayi, Inc. na pinamagatang “The F Lounge: Conversations on Power in the Age of Gendered Disinformation,” sa B Hotel.

Sa kanyang talumpati binigyang-diin ni Mayor Belmonte ang kahalagahan ng mga kababaihang namumuno, na mula sa puso ang paglilingkod sa bayan. Nabanggit din ni Mayor Belmonte ang mga programa ng lungsod na nagbibigay ng proteksyon at kahalagahan sa bawat kababaihan at mga vulnerable sectors.

Dumalo rin ang mga opisyal ng embahada na sina Counsellor and Head of the Political and Public Affairs Colin Townson at Canada Fund Program Manager Peter Wright.