We’re the king and queen of hearts…
Libo-libo ang kinilig sa ‘The Joy of Christmas: The David Pomeranz Concert’ na ginanap sa Quezon Memorial Circle kagabi.
Personal na hinarana ni David Pomeranz ang mga QCitizens, kasama sina Frenchie Dy at Donita Nose.
Ito ay proyekto ng Dr. Carl E Balita Review Center at ng Quezon City Government.
Dumalo rin ang ilan sa mga opisyal ng lungsod na sina Business Permit and Licensing Department head Margie Santos, Tourism Department head Teta Terona, Gender And Development Office head Janet Oviedo, at Traffic and Transport Management Department head Dexter Cardenas.