QCitizens, aarangkada na bukas, July 15, 2024 ang CENSUS OF POPULATION (POPCEN) at COMMUNITY-BASED MONITORING SYSTEM (CBMS) ng Philippine Statistics Authority (PSA).
MANDATORY o REQUIRED ang bawat QCitizen na makiisa at sumagot sa census sa pamamagitan ng pagbibigay ng tama at kumpletong impormasyon sa ating enumerators, alinsunod sa Republic Act 10625 o ang The Philippine Statistical Act of 2013.
Ang sino mang mapapatunayang lumabag sa RA 10625 ay maaaring patawan ng isang taong pagkakakulong at multang aabot sa ₱100,000.
Mahalaga ang census para sa pag-update o pagtitiyak na wasto ang bilang ng kabuuang populasyon ng bawat barangay, lungsod, munisipalidad, lalawigan, at rehiyon sa buong bansa.
Layon din ng census na i-update ang listahan ng mga benepisyaryo ng iba-ibang social protection programs ng gobyerno para masigurong epektibo ito at nakakarating sa mga nangangailangan.
Malaki ang papel ng POPCEN-CBMS sa pagbabalangkas ng pamahalaan ng mga proyekto at programang nakatuon sa pagtulong sa mga mahihirap na pamilya.
Bahagi ito ng pagdiriwang ng National Census and Community-Based Monitoring Month ngayong Hulyo.