Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Ginanap ngayong araw sa M.I.C.E. Center ang The NExT Landscape, isang international conference na layong talakayin ang mahahalagang usapin sa landscape architecture, urban design, at cultural sustainability.
Pinangunahan ng Philippine Association of Landscape Architects (PALA), katuwang ang Quezon City Government, Asian Cultural Landscape Association (ACLA), at iba pang national at academic institutions. Tampok sa unang araw ng event ang mga diskusyon hinggil sa kultura at mga inobasyon sa larangan ng landscape design.
Sa pagbubukas ng The NExT Landscape, ipinakita ng Quezon City ang patuloy nitong suporta sa mga inisyatibong nagsusulong ng makabagong, inklusibo, at sustainable urban spaces.








