Ang pera ng taumbayan ay para sa taumbayan.

Dahil sa mga proyekto ng lungsod na nakasentro sa mga residente, nakatanggap ng parangal bilang ‘OGPinas Champion’ ang Quezon City Government mula sa The Philippine Open Government Partnership.

Tinanggap ni City Administrator Michael Alimurung ang parangal bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte.

Ang The Philippine Open Government Partnership ay isang kampanya tungo sa mas malinis at mas maayos na pamamahala.

Dumalo rin dito sina Assistant City Administrator Don Javillonar, City Budget head Marian Orayani, Department of Budget and Management (DBM) Sec. Amenah Pangandaman, DBM USec. Wilford Will Wong, Department of the Interior and Local Government (DILG) USec. for Local Government Marlo Iringan, Public Information Agency (PIA) Director-General Jose Torres, Jr., DBM-NCR Regional Director Ruby P. Muro, PIA-NCR Regional Director Ever P. Cortez, at Metro Manila Development Authority General Manager Popoy Lipana.

+25