Congratulations Vice Mayor Gian Sotto, Majority Leader Doray Delarmente at sa buong 22nd Quezon City Council!
Kinilala ang konseho bilang “Asia’s Most Excellent and Innovative Legislation” ng The Pillars of Public Service Awards 2024 para sa programang Right to Care Card.
Ang Right to Care Card program ay nagbibigay ng pahintulot sa queer couples na magdesisyon para sa kanilang partner sa panahon ng pagkakasakit.
Pinarangalan din bilang Most Outstanding Councilors sina:
Majority Floor Leader Councilor Doray Delarmente
Councilor Charm Ferrer
Councilor Kristine Matias
Councilor Irene Belmonte
Councilor Marra Suntay
Ang Pillars of Public Service Award ay isang non-government organization na nagbibigay pagkilala sa mga indibidwal at institusyon na nagpamalas ng husay pagdating sa serbisyo publiko.