Nagsilbing keynote speaker si Mayor Joy Belmonte sa ginanap na ‘The Rotary Golden Wheel Awards 2023-2024’ ng Rotary Club kagabi.

Ito ay pagbibigay parangal sa mga indibidwal na nagpamalas ng natatanging serbisyo sa komunidad at bayan.

Tinalakay ng alkalde ang malaking ambag ng organisasyon sa pagsusulong ng mga programa ng lokal na pamahalaan para sa mga residente ng lungsod, kasabay ng pag-apela sa kanila na tumulong sa pagtugon sa learning loss ng mga bata.

Siniguro naman ng Rotary Club ang patuloy na pagsuporta sa mga proyekto ng lungsod, lalong lalo na sa pagtulong sa ‘Learning Recovery Program’ ng lokal na pamahalaan bilang tugon sa learning loss.

Nagkaroon din ng ribbon-cutting ceremony ang KILO/S KYUSI o “Kilo Store ng Bayan, Tulong para sa Kinabukasan” pop-up store. Sa mga nais mag-donate, maaaring bisitahin ang QC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office Facebook page para sa mga katanungan at upang makabili ng branded at pre-loved clothes, maaaring bumisita sa QC Hall simula April 22, 2024.

+28