Bilang bahagi ng pagsusulong ng Media and Information Literacy (MIL) sa lungsod, inilunsad ng MediaQuest, katuwang ang QC Education Affairs Office (EAU), QC Public Affairs and Information Services Department (PAISD), at QC Schools Division Office (SDO), ang THINKaMUNA Pilipinas Journal sa Project 6 Special Science Elementary School.
Ang THINKaMUNA Pilipinas Journal ay isang 12-page activity book na dinisenyo para sa mga estudyante ng pampublikong paaralan mula Grade 4 hanggang Grade 6 sa Quezon City.
Layon nitong hikayatin at sanayin ang mga kabataan na maging responsable at mas mapanuri sa pagkalap at paggamit ng impormasyon online o offline. Hinahasa rin nito ang critical thinking ng mga mag-aaral upang maiwasang mabiktima ng misinformation sa social media.
Bahagi ito ng inisyatiba ng lungsod matapos ang pagkilala ng UNESCO sa QC bilang isa sa mga pilot city for MIL.
Dumalo sa aktibidad sina MediaQuest Corporate Communications Head Charles Lejano, MediaQuest Consultant Joy Sanchez, Media5 Associate Creative Director DJoanna San Jose, Media5 Creatives Copywriter Cristy Ann Linga, Alagang Kapatid Foundation Inc. Representative Lorena Barrion, QC EAU Head Maricris Veloso, QC PAISD Head Engelbert Apostol, at Project 6 Special Science Elementary School Principal Daisy Cañizares.










