Congratulations sa QCitizens na naging benepisyaryo ng Thrive Together Project sa tulong ng Leonard Cheshire Disability Philippines Foundation, Inc. at Humanity and Inclusion.
Nabigyan ng P15,000 seed grant sina Mary Joy Borja at Jean Bernadette Hortizuela para makapagsimula ng kanilang negosyong pangkabuhayan matapos nilang magsanay sa ilalim ng Business Planning Workshop. Nakiisa si Mayor Joy Belmonte at Ms. Deborah Dacanay ng Persons with Disability Affairs Office sa pamamahagi ng grant sa mga benepisyaryo.
Layon ng programa na matulungan ang mga persons with disabilities na magsanay at madagdagan ang kanilang kaalaman sa mga livelihood programs at makapaghanapbuhay.