Aabot sa 300 QCitizen entrepreneurs, content creators, at mga kabataan ang dumalo sa Unlad Lokal Roadshow Caravan ng TikTok Philippines, sa pakikipagtulungan sa Quezon City Government.
Sinimulan noong nakaraang taon, layon ng caravan na bigyang-kaalaman ang mga aspiring sellers sa digital marketing para mas makilala pa ang kanilang negosyo, partikular sa online platforms gaya ng TikTok Shop.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang TikTok Philippines sa ibinigay nilang programa sa mga QCitizen, na magbubukas pa ng pagkakataon at oportunidad sa pag-asenso ng kani-kanilang negosyo.
Bukod sa learning session, nag-training din ang mga kalahok sa e-commerce, at live selling sa TikTok Shop.
Nagbigay naman ng kani-kanilang mensahe sina TikTok Shop Head of Public Policy Yves Gonzales, at Philippine Chamber of Commerce and Industry – Quezon City (PCCI-QC) President Anne Francisco.








