Opisyal nang sinimulan ang rehabilitasyon ng sidewalk sa Timog Avenue upang gawing mas maayos at mas pedestrian-friendly ang lugar.
Kasama sa proyekto ang demolisyon ng bollards, conversion ng paving blocks sa stamp concrete, paglalagay ng directional tactile, at pag-install ng mga bagong lamp post.
Pinangungunahan ito ng Quezon City Department of Engineering bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lungsod na itaguyod ang walkable, inclusive, at ligtas na kalsada.








