SA QC, MAY OPORTUNIDAD ANG LAHAT!
Nasa 300 QCitizens ang nakatanggap ng livelihood package mula sa programang Tindahan ni Ate Joy na pinangangasiwaan ng Gender and Development (GAD) Council Office ngayong araw.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang distribusyon ng grocery package na nagkakahalaga ng P10,000.
Ang mga napiling benepisyaryo ay binubuo ng mga solo parents, migrant workers, dating persons deprived of liberty, at mga Violence Against Women and Their Children (VAWC) victim-survivors.
Hinikayat din ng alkalde ang mga benepisyaryo na tangkilikin ang iba pang livelihood programs ng lungsod tulad ng Pangkabuhayang QC, mga financial literacy seminar, at ang Kuha sa Tingi program.
Kasama ni Mayor Joy ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon sa naganap na programa.