Kalusugan ng mga kalalakihan ang priority sa Titolympics 2025!
Iba-ibang aktibidad at programa ang hatid ng Idealscapes MNL, katuwang ang Quezon City Government, para sa mga “Tito” sa ginanap na Titolympics sa Eton Centris ngayong Sabado.
Naghatid ng libreng check-up at medical services ang Quezon City Health Department. Nagbigay naman ng tips si Dr. Biboy Molano kung paano maging ‘healthy tito’.
May live performances, booths, at talks din mula sa mga kilalang personalidad.
Layon ng Titolympics na isulong ang kahalagahan ng health and wellness para sa mga kalalakihan, at maipakita sa mga tito na pwede at dapat din silang mag-relax at magsaya sa pamamagitan ng iba-ibang games at activities.




