Kaisa ang Quezon City tungo sa isang Tobacco-free, Vape-free future!
Bilang paggunita sa World Tobacco Day, nagsagawa ang tobaco control and public health advocates, at Quezon City Government ng film showing at solidarity event sa QC Hall.
Tampok sa solidarity event ang anim na short films na gawa ng mga kabataan. Layon nitong palakasin ang boses ng mga kabataan para sa pagpasa ng isang National Smoke-free Law.
Sa kanyang talumpati, binanggit ni Mayor Joy Belmonte na bumubuo na ang lungsod ng isang komprehensibong ordinansa laban sa smoking at vaping.
Bukod kay Mayor Joy, nakiisa rin sa programa sina Coun. Aly Medalla, Philippine Legislators’ Committee on Population and Development Executive Director Aurora Quilala, Health Justice Philippines Executive Director Atty. Fatima Laperal, Campaign for Tobacco-Free Kids Philippines Team sa pangunguna ni Maxine Tanya Hamada, at Philippine Smoke-Free Movement National Coordinator Rizza Duro.










