Iginawad ng pamahalaang lungsod ang prangkisa ng ilang Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa QC, sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, Coun. Toto Medalla, Tricyle Regulatory Division head Ben Ibon, at TF for Transport and Traffic Management OIC Dexter Cardenas. Congratulations sa mga sumusunod na TODA: Bungad, Filheights, Litex-Commonwealth, Roxas, Sta. Lucia (White, Red, Green), Samonte Robina, at Phase 8.
Kasabay nito nagsagawa ng orientation para sa mga ginawaran ng prangkisa at inilunsad din ang QC TODA Primer kung saan nakapaloob ang mga impormasyong dapat malaman ng mga QCitizens na nais maging tricycle operator. Tinalakay din ang status ng free Accident Insurance Ordinance at ang TODA Infraction Ordinance.