Congratulations, QC! ![]()
Ginawaran ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Quezon City ng mga sumusunod na parangal:
Top 1 Best Performing LGU sa Metro Manila
Rank 2 Performing LGU para sa tuloy-tuloy na pagsusumite ng updated compliance reports at pagsunod sa Solid Waste Disposal Reduction Target
Recognition for High Compliance sa pagpapatupad ng strategies sa ilalim ng Manila Bay Clean-up, Rehabilitation and Preservation Program
Personal na tinanggap ng Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City (DSQC) ang mga parangal sa naganap na Metro Manila Solid Waste Management Board – Technical Working Group Year-End Consultative Meeting ng MMDA noong December 10, 2025 sa Red Hotel, Cubao.
Patunay ang mga parangal na ito sa patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng tapat at maayos na serbisyo para sa mas maunlad na lungsod Quezon.




