Aabot sa 550 traditional jeepneys at 170 city-owned vehicles ang katuwang ng Lungsod Quezon upang maging maayos ang distribusyon ng mga ballot boxes, election supplies at paraphernelia sa 169 polling centers sa buong QC.
Lagpas sa 12,400 na mga guro ang isasakay nito kasama ang iba pang COMELEC at QC Gov’t staff upang masigurong makaboboto ng maayos at ligtas ang mga QCitizens.
Kasabay nito ang security escort at traffic assistance mula sa Traffic and Transport Management Department, Quezon City Police District, Department of Public Order and Safety, City Treasurer’s Office at City General Services Department.
Magpapatuloy ang operasyong ito hanggang matapos ang 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections bukas ng hapon, Oktubre 30, 2023.