Isang linggo matapos ang simula ng pasukan para sa School Year 2022-2023, nagpasya ang Pamahalaang Lungsod Quezon at MMDA na pahabain pa ang COMMONWEALTH-UNIVERSITY AVENUE ZIPPER LANE at dagdagan ito ng entrance at exit. Ito ay upang lalong mapakinabangan ng mga motorista ang nasabing Zipper Lane at maibsan ang mahigpit na daloy ng trapiko dulot ng construction ng MRT7 Tandang Sora at Don Antonio Stations.
Simula bukas, ika-30 ng Agosto, Martes, maaari nang pumasok ng Zipper Lane magmula sa St. Peter U-turn Slot Entrance. Maaari na rin lumabas ng Zipper Lane ang mga patungo ng QMC (Elliptical Road) sa UP TechnoHub Zipper Lane Exit. Sundan lamang natin ang mga Traffic Enforcers ng Quezon City Task Force for Transport and Traffic Management (QC-TFTTM) at ang mga nakalatag na traffic signages. Ang COMMONWEALTH-UNIVERSITY AVENUE ZIPPER LANE ay bukas mula 6AM-10AM, Lunes hanggang Biyernes.