MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Congressional Avenue papuntang Mindanao Avenue ngayong weekend, August 2 – 3, 2025, dahil sa isinasagawang concrete reblocking sa Mindanao Ave.-Quirino Highway tunnel.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa Congressional Avenue patungong Luzon Avenue o EDSA-Muñoz bilang mga alternatibong ruta upang makaiwas sa matinding trapiko.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.
