Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA![]()
Asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng Congressional Avenue bunsod ng pansamantalang pagsasara ng Culiat Bridge dahil sa nangyaring sunog kagabi.
Mananatiling sarado ang Culiat Bridge habang isinasagawa ng QC Department of Engineering ang structural inspection sa tulay at matiyak na ligtas na itong daanan ng publiko.
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina, at Quezon City Police District (QCPD) para matiyak ang kaayusan ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.








