MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko dahil sa paglulunsad ng Car-free, Carefree Tomas Morato Sundays ngayong Linggo, December 8, 2024 mula 5:00AM hanggang 10:00AM, kung saan isasara ang kahabaan ng Tomas Morato Avenue mula Timog Avenue hanggang Don Alejandro Roces Avenue.
Sarado rin ang mga sumusunod na kalsada:
Sct. Tuason / Sct. Fuentebela
Sct. Tuason / Sct. De Guia
Sct. Tuason / Dr. Lazcano
Sct. Tuason / Sct. Lozano
Sct. Torillo / Sct. Rallos
Sct. Torillo / Sct. Fernandez
Sct. Torillo / Sct. Gandia
Sct. Torillo / Sct. De Guia
Sct. Tuason / Dr. Lazcano
Sct. Tuason / Sct. Delgado
Sct. Tuason / Sct. Castor
Sct. Delgado / Sct. Torillo
Sct. Torillo / Sct. Castor
May itinalagang parking areas at magpapatupad ng rerouting scheme ang Traffic and Transport Management Department para masiguro ang kaayusan ng daloy ng trapiko sa lugar. Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Ang nasabing event ay bunsod ng ordinansang inihain ni Coun. Irene Belmonte na layong isulong ang active mobility, maglaan ng mas ligtas na lugar para sa lahat, at makatulong sa paglago ng kabuhayan ng bawat QCitizen tungo sa pag-unlad ng Lungsod Quezon.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.