MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Bilang pakikiisa sa 18 araw na kampanya para wakasan ang karahasan laban sa kababaihan o violence against women (VAW), magkakaroon ng Cycle to End VAW bike ride event sa pangunguna ng Quezon City Government sa December 8, 2024 mula 5:30AM hanggang 10:00AM.
Kaya asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa mga sumusunod na kalsada na bahagi ng ruta:
Don A. Roces Ave.
Mother Ignacia Ave.
Sct. Limbaga St.
Sct. Tobias St.
Timog Ave.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.