MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa ilang kalsada sa District 2 at 5 dahil sa isasagawang Miting de Avance ng Serbisyo sa Bayan Party (SBP) sa May 10, 2025 (Sabado) mula 6:00 ng gabi.
Sa District 2, okupado ang tatlong lane ng Commonwealth Avenue para sa stage area sa bahagi ng Commission on Audit (COA).
Okupado rin ang isang lane ng southbound lane mula sa Sandiganbayan U-turn slot patungong Doña Carmen.
Pansamantala namang isasara ang U-turn slot sa harap ng Commonwealth-Sandiganbayan.
Sa District 5, isasara ang mga sumusunod na kalsada:
Labayani street cor. Dollar street
Labayani street cor. Commonwealth Avenue
Magpapatupad ng traffic rerouting ang Traffic and Transport Management Department (TTMD).
Magtutulungan at nakaantabay rin ang mga tauhan ng TTMD at Department of Public Order and Safety (DPOS) para maisaayos ang inaasahang pagbagal ng daloy ng trapiko sa mga nabanggit na lugar.
Pinapayuhan naman ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.


