MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Magsasagawa ang Maynilad ng permanent road restoration sa kahabaan ng Payatas Road, mula Rose St. hanggang Payatas Bridge.
Simula: 10:00 PM, February 13, 2026
Hanggang: 5:00 AM, February 16, 2026
Sa mga araw na ito, asahan ang pagbagal at pagbigat ng daloy ng trapiko sa naturang lugar.
Magpapatupad ng stop-and-go traffic scheme habang isinasagawa ang road works. May nakahandang rerouting plan para sa mga motoristang manggagaling sa Batasan Road.
Pinapayuhan ang lahat na dumaan sa mga alternatibong ruta at maglaan ng dagdag na oras sa biyahe upang maiwasan ang abala.
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina, at Quezon City Police District (QCPD), para matiyak ang kaayusan ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.






