MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA 🚦

Magpapatupad ang Traffic and Transport Management Department (TTMD) ng traffic re-routing scheme sa mga sumusunod na kalsada sa Miyerkules, February 19, 2025 bilang paghahanda sa pagbubukas sa publiko ng Tandang Sora Women’s Museum na matatagpuan sa Tandang Sora Shrine.

• NPC Road

• Banlat Road

• Ambuklao Road

• Tandang Sora Avenue

• Himlayan Road

• Visayas Avenue

Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS) para maisaayos ang inaasahang pagbagal ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.