MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA 🚦

Magpapatupad ang Traffic and Transport Management Department (TTMD) ng traffic re-routing scheme sa mga sumusunod na kalsada sa Biyernes, February 21, 2025 simula 7:00AM hanggang 5:00PM. Ito ay dahil sa isasagawang PuroKalusugan Program ng Department of Health (Philippines) sa Barangay Loyola Heights Covered Court, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Heart Month and Cancer Awareness Month.

• B. Gonzales Street

• Esteban Abada Street

• Park 9 Street

• F. Dela Rosa Street

Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng TTMD at Department of Public Order and Safety (DPOS) para maisaayos ang inaasahang pagbagal ng daloy ng trapiko sa mga nabanggit na lugar.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.