Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA![]()
Asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng Elliptical Road dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga manonood sa People Power @40 sa QC na gaganapin sa Quezon Memorial Circle sa Sabado, February 21, 2026, simula 4:00 PM.
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina, Quezon City Police District (QCPD), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maisaayos ang inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.




