MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA![]()
Bunsod ng isasagawang ‘Trillion Peso March 3’ sa pangunguna ng Caritas Philippines at ilang civil society groups, asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa paligid ng EDSA People Power Monument sa Miyerkules, February 25, 2026, mula 8:00AM kabilang ang mga sumusunod na kalsada:
• Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA)
• Katipunan Avenue
• Ortigas Avenue
• White Plains Avenue
• Temple Drive
Bilang paghahanda sa nasabing aktibidad, magpapatupad din ng zipper lane sa kahabaan ng White Plains Avenue sa pagitan ng EDSA at Katipunan Avenue simula 9:00PM ng February 24, hanggang 6:00AM ng February 25, 2026.
Pansamantala namang isasara ang White Plains Avenue sa mismong araw ng rally, February 25, 2026, mula 6:00AM.
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina, Quezon City Police District (QCPD), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maisaayos ang inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.








