MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Pansamantalang isasara sa daloy ng trapiko ang ilang bahagi ng mga sumusunod na kalsada sa Sabado, February 8, 2025 dahil sa isasagawang Grand Parade – Pedrista Festival 2025.
Road Closure (Whole day)
• Fernando Poe Jr. Avenue to Del Monte Avenue
• Fernando Poe Jr. Avenue corner Pitimini Street up to Del Monte Avenue
Road Closure (from 6:00AM – 9:00AM)
• Del Monte Avenue from West Riverside up to to G. Felipe Street
Magpapatupad din ng traffic rerouting scheme simula 10:00PM sa Biyernes, February 7, 2025 para sa mga motoristang maapektuhan ng pagsasara ng naturang mga kalsada. Asahan din ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa lugar at pagdagsa ng mga lalahok sa pagdiriwang.
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS) para maisaayos ang inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.


